Monday, November 30, 2009

Mag-isip Ka

Marami akong bagay na ayaw makita. Mga tao na ayaw makasalamuha. Kasi bawat anino ng mga ito sa ilalim ng araw bawat yapak nila sa lupa dumarating ang pagkakataon na kinahahabagan ko ang aking kinatatayuan. Kung tutuusin kainggit-inggit ang mga bagay na nagdaraan sa aking harapan pero hindi yun sapat para maglaho na parang bula ang mga gumugulo sa bawat ugat ng aking katawan.

Hindi ba dapat makuntento na lang ako sa kung anong meron ako? Pero paano ako makukuntento kung hindi naman ito ang tunay na nagpapasaya sa akin?

Kung ikaw ang papipiliin ko, ang may hawak na pera pero hindi ka naman masaya at nag-iisa, o simpleng buhay pero puno ng kasiyahan sa piling ng iyong pamilya? Mag-isip ka.