Tuesday, June 30, 2009

Si Mika

"Hindi ba nila napapansin na nahihirapan din ako? Palibhasa iisa lang ang mga nasa utak nila, "pera." Kung sabagay paano ka nga naman makakakain kung walang pera. Pero ano nga ba ang magagawa ko, wala akong trabaho. Hindi por que andito ako sa ibang bansa eh nagpapakasarap na ako. Aba! Ang hirap ding mabuhay dito noh! Andiyan ung mapipilitan kang kumapit sa patalim kahit na ayaw mo. Paano ka nga mabubuhay di ba, kung wala kang pera?"

Nagpunta ako sa may bayan. Alas diyes na un ng gabi. Aba, marami pa ring tao. Karamihan mga kalalakihan. Saan pa nga ba ang punta ng mga iyan? Eh di magiinom na naman. Sarap ng mga buhay ng mga ito, mga wala na ngang trabaho. So patuloy ako sa paglalakad. Siguro mga 20 minutes din akong paikut-ikot sa paghahanap ng coffee shop na iyon. Pumasok ako sa loob at hinanap ko siya agad. Dating kaibigan sa dati kong trabaho. Medyo dim light sa loob kaya hindi gaano halata ang napakakapal niyang make-up. Ang laki na ng ipinagbago niya. Hindi ako tomboy pero humanga ako sa hubog ng kanyang katawan. Hinampas niya ako sa kamay, isarado ko daw ang bibig ko kasi baka pasukan ng langaw. Actually humanga naman talaga ako sa kanya eh, may halo ding inggit pero kinurot ko ng patago ang sarili ko. Bakit ako maiinggit sa isang trabahong hindi naman marangal? Pero wala akong nagawa kundi pumasok din sa ganoong buhay. Nabigo ako ng gabing iyon, hindi niya ako napautang kaya napilitan akong subukan na pasukin ang sirkong ginagalawan niya.

(Itutuloy...)

Ulan

Ano ba? Paano ako magsisimula? Tutula ba ako o kakanta? Bigyan mo nga ako ng ideya. Alam ko na, tutal umuulan naman ngayong umaga magkuwentuhan na lang tayo sa tungkol sa ulan.
Ayoko ng ulan. Hindi ko nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Hindi ako makapagsampay dahil walang araw kaya paano matutuyo ang mga nilabhan ko? Mangagamoy lang. Nakakainis. Nasisira mga plano ko. Lalo na kapag summer tapos biglang uulan. Hindi ako makapagsuot ng mga light colors na damit dahil alam kong madaling madudumihan. Aah! Sino ba ang may gusto ng ulan? Hindi rin ako makapagsandals o makapagtsinelas man lang dahil mapuputikan ang mga paa ko.
Ano ang silbi ng payong kung butas naman sa gitna? Badtrip! Parang nung nakaraang dalawang linggo, may payong nga ako pero tumutulo naman. Sayang lang, mabulaklaking asul pa naman ang kulay. Isipin mo na lang noh? Kung walang payong paano na kaya ang mga tao kung naulan?
Parang ung isang mama papunta sa istasyon ng tren dito sa may amin, may payong nga hindi naman ginagamit! Ay parang tanga. Alam mo kung anong rason? Aksaya daw ng oras sa pagbukas ng payong kasi malapit lang naman ung daw ung pupuntahan nya. "Baka."
May mga nakakasabayan din ako sa pagmomotor, ung mga iba oh, talagang tinitiis na mabasa ng ulan makaporma lang. Ay sus nagpapakabayani pa kamo! Aba'y ayaw magkapote. "Baka ja nai?"

Thursday, June 25, 2009

Si Lina

Kasabay ng malakas na ulan ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata..

“Hindi. Hindi ito puwedeng mangyari!”

Lunes. Unang araw ng pasok ng mga estudyante sa eskuwelahan. Ngunit hindi sa eskuwela ang punta ni Lina, kundi sa opisina na pinapasukan ng kanyang nobyo. Dadalawin niya ito at sosorpresahin sana ngunit hindi sya pinapasok ng guwardiya sa lobby ng opisina ng kanyang nobyo. General manager ito ng isa sa mga sikat na ahensya sa Maynila.
Bigo si Lina.


“Hoy Lina, bakit wala ka na naman sa first subject natin kanina?” aniya ng kanyang bestfriend na si Tanya.

“May dinaanan lang ako kanina.” Pagsisinungaling niya.

“If I know, pumunta ka na naman dun sa boyfriend mo ano?”

Hindi na nakasagot si Lina. Mahal na mahal niya ang kanyang nobyo, mahal din naman siya nito, pero bakit minsan tila nararamdaman niyang may itinatago ang kanyang nobyo. Mag iisang taon na sila sa susunod na buwan at nakahanda na siyang ibigay ang kanyang sarili bilang regalo sa kanilang anibersaryo.

“Roy, mahal mo ba ako?”

“Oo naman Lina, mahal na mahal kita, lalo na ngayon na may nangyari na sa atin.”

Nakangiting natulog si Lina habang nakayakap sa kanyang nobyo.
Pagkalipas ng 3 buwan. Nagtataka si Lina sa kanyang mga nararamdaman nitong nakaraang araw. Bigla na lang nahihilo at bumabaliktad ang sikmura. Regular din ang kanyang buwanang dalaw, ngunit 2 buwan na siyang hindi dinadatnan. Napatutop siya.

Agad na nagpunta si Lina sa Makati para sorpresahin ang kanyang nobyo at ihatid ang magandang balita. Laking panghihina ng kanyang tuhod sa kanyang nakita.


“Kaya pala. Kaya pala…” Kaya pala kahit minsan hindi magawang maipakilala si Lina sa mga magulang ng kanyang nobyo dahil nakatali na pala ito. At may dalawang bunga pa!

Kasabay ng malakas na ulan ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata, pag-agos ng pulang tubig na nagmumula sa kanyang kamay hawak ang matalim na bagay na sanhi ng unti-unting pagtigil ng kanyang hininga.

SMILE

SMILE
by: MASHpotato
I need it and you gave it,
Im so down and you lifted me up.
Trying to put that smile and worth our while.
Gave the hope I need, brought back the beautiful sight.
With your voice every morningI never feel so abandoned.
Delighted from your hugs and kisses everyday
We’ll make it through all the way.
I love you my love, I really do.
Can’t linger to tell this and sealed with a kiss.
I’ll be walking on the aisle someday,
Two souls united as one at the end of the day. ^_^