Tuesday, June 30, 2009

Si Mika

"Hindi ba nila napapansin na nahihirapan din ako? Palibhasa iisa lang ang mga nasa utak nila, "pera." Kung sabagay paano ka nga naman makakakain kung walang pera. Pero ano nga ba ang magagawa ko, wala akong trabaho. Hindi por que andito ako sa ibang bansa eh nagpapakasarap na ako. Aba! Ang hirap ding mabuhay dito noh! Andiyan ung mapipilitan kang kumapit sa patalim kahit na ayaw mo. Paano ka nga mabubuhay di ba, kung wala kang pera?"

Nagpunta ako sa may bayan. Alas diyes na un ng gabi. Aba, marami pa ring tao. Karamihan mga kalalakihan. Saan pa nga ba ang punta ng mga iyan? Eh di magiinom na naman. Sarap ng mga buhay ng mga ito, mga wala na ngang trabaho. So patuloy ako sa paglalakad. Siguro mga 20 minutes din akong paikut-ikot sa paghahanap ng coffee shop na iyon. Pumasok ako sa loob at hinanap ko siya agad. Dating kaibigan sa dati kong trabaho. Medyo dim light sa loob kaya hindi gaano halata ang napakakapal niyang make-up. Ang laki na ng ipinagbago niya. Hindi ako tomboy pero humanga ako sa hubog ng kanyang katawan. Hinampas niya ako sa kamay, isarado ko daw ang bibig ko kasi baka pasukan ng langaw. Actually humanga naman talaga ako sa kanya eh, may halo ding inggit pero kinurot ko ng patago ang sarili ko. Bakit ako maiinggit sa isang trabahong hindi naman marangal? Pero wala akong nagawa kundi pumasok din sa ganoong buhay. Nabigo ako ng gabing iyon, hindi niya ako napautang kaya napilitan akong subukan na pasukin ang sirkong ginagalawan niya.

(Itutuloy...)