Tuesday, July 7, 2009

Si Mika Pa Rin

Mahina ang unang gabi, pero natural lang daw iyon kasi Huwebes. Totoo nga, kasi ang mga sumunod na araw ay hindi ko na namalayang lumipas na parang bagyo. Malaki man ang kita, hindi pa rin ako masaya. Hindi ganito ang pinangarap kong buhay. May choice pa ba ako? Maraming naghahangad na makapunta dito sa mismong kinatatayuan ko. Hindi ganoon kadali ang buhay, na basta ka na lang magpapakasarap hangga't gusto mo. Na por que nasa ibang bansa ka, madali ka ng yumaman. Sabi nila, nasa diskarte at pagtyatyaga lang daw iyan. Oo pero pwede naman daanin sa magandang paraan. Hindi iyong sapilitan kahit ayaw mo naman.

Suko na ako. Nakahanda na nga ang lubid eh, isasabit ko na lang sa kisame.

Si Mika...